Ngayong lamang ako napaisip ng ganito at
ngayon lamang ako nakadama ng pagkalito.
Sabi ng isip ko, "Huwag muna".
Sabi ng puso ko, "Kailangan kita".
Tuwing matutulog, ikaw ay nasa isip.
Kulang na lamang pati pa sa aking mga panaginip.
Sabi ng mga magulang ko, "Huwag magmadali".
Sabi ng puso ko, "Kahit lamang ilang sandali".
Paggising sa umaga, sa isip ko ikaw ay una
hanggang pagdating sa trabaho. Tuliro sa bawat umaga.
Sabi ng mga kaibigan ko, "Maghanap ng iba".
Sabi ng puso ko, "Ikaw lang ang nais kong makita".
Lumipas ang ilang mga araw at ako pa rin ay balisa at
hindi ko matanto kung ano ang sa akin ay gumagambala,
Hanggang sinabi ng isip ko, "Bakit hindi mo subukan?"
at sinabi ng aking puso na "Wala namang masama kung tunay ang iyong nararamdaman".
Alas onse ng umaga ng landas natin ay nagkatagpo.
Ang tangi kong kahilingan ay malaman ang nararamdaman kong totoo.
Sa loob ng labintatlong araw, dumating na rin ang pagkakataong aking hinihintay
kung saan ang aking puso't isipa'y sumang-ayon ng iyong hinawakan ang aking mga kamay.
Pag-ibig minsan ay palabiro
lalo na pag hindi inaasahang mapana ni Kupido.
Ngayon ay hindi na ako nababalisa o nalilito
dahil ako lamang pala ay nahuhulog para sa iyo.
Saranghaeyo (^^.)~