Thursday, September 10, 2009

Ang Kwento ni Ligaya [part 3 sa Adbentyur ng da Tri Litel Berds at ni Fairygodmomma]


so sa wakas ay na-meet na ni Luningning ang kaniyang tru lab, wel, not yet official kasi it is still on the process of developing pa lamang. tsktsk. recall recall. humiling at tatlong dalaga kay diwatang sidri ng mga lablayf so isa isa ng natutupad ito. kaya na-meet ni Luningning si Ermi Ermitanyo. ngayon naman sa ating kabanata ay tungkol naman kay Ligaya na tahimik na nakadungaw sa kaniyang bintana.


tagpuan: sa isang simpleng kubo by the bukid where the green grass grow all around all around. where the green grass grow all around.


"Napakaganda naman ng araw na ito. Napakatahimik pa." sabi ni Ligaya sa sarili habang malayong nakatanaw sa may horizon (kalimutan ko tagalog nun. hehe)


"Ak-ak!" chirped the little bird from the branch of the mango tree.


"Oh my gosh! Ano yun?" gulat na tanong ni Ligaya sa sarili habang hinahanap ang source ng weird na sound mula sa labas ng kanilang tahanan.


"Ak-ak!" ulit ng ibon.


"Ikaw ba yun?" tanong ni Ligaya habang nakatingin sa direction where the cute yellow bird was resting.


"Ak-ak!" sagot ng ibon na tilang naiintindihan niya ang katanungan ni Ligaya.


"Ikaw naman. Ginulat mo ako." sabay tawa ni Ligaya. "Bakit hindi tweet-tweet ang tinig mo katulad ng ibang mga ibon?"


"Ak-ak!" sagot ulit ng ibon habang ito ay lumipad at nag-land sa my bintana.


"Ang cute mo naman." sabi ni Ligaya sa ibon while giving it a pat on the head.


"Ak-ak!" sagot ng ibon in a way of saying thank you for the compliment.


Habang pinagmamasdan ni Ligaya ang munting dilaw na ibon ay may napansin siyang kulay pula sa pakpak nito.


"Abah, may sugat ka pala." gulat na sabi ni Ligaya. "Kawawa ka naman. Gagamutin kita."


Daliang tumayo si Ligaya mula sa sahig at naghanap ng bendahe at maliit na tela para sa wounded na ibon. Bumalik siya sa kinalalagyan nito at inasikaso ang sugat sa pakpak ng ibon.


"Alam mo ba na dati ay ibon rin ako katulad mo?" kwento ni Ligaya sa ibon habang nililinisan niya ang sugat nito. "May mga pagkakataon rin na ako ay nasusugatan at nasasaktan katulad mo to the point that I was so confused on what to do."


Tahimik lamang ang ibon na tila bang it was pondering over what Ligaya was saying. Moments ika nga mula sa MMK.


"Muntik na akong sumuko noon. Nagpakamartyr na rin ako ng ilang beses ngunit alam ko na it is no use." patuloy ni Ligaya habang dahan-dahang nilagyan niya ng gamot ang sugat ng ibon. "Hanggang sa isang araw ay natagpuan ko ang aking tunay na mga kaibigan. Ipapakilala ko sila sa iyo one time pag nag-bonding moments na naman kami muli."


"Ak-ak!" sagot ng ibon tila bang sabi na "Sure why not?"


"Naging masaya ako sa piling nila Ligalig at Luningning. Napatunayan ko na hindi nakukuha ang tunay na kaligayahan sa mga makamundong bagay. As long as you have someone to run to, someone that you can depend on, walang katumbas ang kaligayahan na iyong matatamo." dagdag ni Ligaya habang itinali niya ang bendahe sapakpak ng ibon.


"Ak-ak!" sabi ng ibon as if telling Ligaya not to be sad anymore.


"Ayan. Siguro naman okey ka na in a few days." sabi ni Ligaya sa ibon na nasa maayos ng kondisyon.


"Pasensiya ka na sa aking drama. Ikaw lang kasi ang available na makinig sa akin kaya nasabi ko na sa iyo lahat."


"Ak-ak!" sagot ng ibon na may kislap sa kaniyang mga mata.


"Secret lang yun ah? Promise mo iyan" sabay kiss sa pisngi ng ibon. "Siya, maaari ka ng lumipad muli sa iyong tahanan. Gawin mong dumalaw dito bukas at tayo ay magkwentuhan muli."


"Ak-ak!" paalam ng ibon at ito ay lumipad na sa himpapawid.


*~popopopopopopopopokerpeys!~*


And the cool sound was up again but with someone different this time around behind the stardust.


"Lady GG?" tanong ng naantalang Ligaya sa sarili.


"Hindi ako galonggong or kung sino mang sikat na popstar." sagot ng diwatang naka kulay berde. "Ako ay si Diwatang Eiger, mula sa mundo ng Sanip."


"Asaan po si Diwtang Sirdi?" tanong ni Ligaya.


"Siya ang lumalangoy kasama ang iba pang mga diwata. Off niya ng 1 week at ikaw ay kaniyang ipinagkatiwala sa akin." sagot ng diwata.


"Kung ganoon po, may nais po ba kayong iparating sa akin?" tanong ni Ligaya.


"Mayroon. At ito ay mahalaga." patuloy ng Diwata. "Ang ibon na iyong tinulungan kanina ay hindi isang ordinaryong ibon lamang."


"Dahil po ba 'ak-ak' ang tinig niya at hindi 'tweet-tweet'?" pilosopong tanong ni Ligaya.


"Isa na iyon." diretsong sagot ng Diwata na tila napakaseryoso ng aura. "Ngunit ang bali-balita na sa isla ng mga apa, also famous as Coney Island, ay may isang prinsipe na under the witch's spell. At tanging ang halik ng isang dalaga lamang ang makapagpapawalang bisa sa sumpang iyon."


"Se..se..seryoso po kayo?" stammered Ligaya.


"Oo. And I do believe that you did give that Bird Prince a kiss right?" tanong ni Diwata. "Ayeee..nahanap na niya Prince Charming niya."


"Kayo naman po. Binibiro naman po ninyo ata ako eh." sagot ni Ligaya. "Makapag-saing na nga."


"This is no joke of mine my dear." sagot ni Diwatang Eiger. "Only true love can make the spell come off."


"Let's wait and see na lang po." sagot ni Ligaya na still not convinced with the fairy's words. "Salamat po muli sa pagbisita."


"Huwag kang masurpresa and alam ko naman na matutuwa ka sa iyong paggising bukas." sagot ni Diwatang Eiger. "Rinig ko eh may talento raw sa pagsayaw ang Prinsipe na iyon at maganda ang kaniyang mga mata. I'm sure kikiligin ka."


"Oo na po." nakangiting sagot ni Ligaya kay Diwatang Eiger. "Bukas po."


"Bukas." huling sabi ni Diwatang Eiger.


*~popopopopopopopopokerpeys!~*


***


Knabukasan ay gumising ng maaga si Ligaya at naglinis na sa kaniyang munting tahanan. Kumakanta siya na tila bang masaya at may inaanticipate. Abot tainga ang kaniyang ngiti ant sumasayaw pa habang naglalampaso at nagpupunas ng bintana ng may kumatok sa pintuan.


"Wait lang." at siya ay tumungo sa pintuan. Sa kaniyang pagbukas ng pinto ay tumambad sa kaniyang harapan ang kaniyang kahilingan.


"Salamat Ligaya for setting me free from the spell." sabi ng Prinsipe na may hazel na mga matang tila maluha luha. Kaniyang kinuha ang mga kamay ni Ligaya and he kissed them gently.


*imagine flowers everyehere and sparkels and the bells are ringing ring-a-ling-ding-dong and there were hearts flying around them too*


Ang tunay na ligaya ay natagpuan na ng isa't isa.


*break it down*


"Ligaya! Ligaya!" tawag ng tinig mula sa di kalayuan. "Natagpuan ko na si kulot!"


Ang moments of love ay naantala ng walang iba kung hindi ni Ligalig! Oh my goshh!


Nakakabitin naman ang episode na ito! Teka! Sinong kulot ang tinutukoy ni Ligalig?


Abangan sa part 4 ng:


"Adbentyur ng Tri Litel Berds at ni Fairygodmomma"


[salamat sa suporta readers!]


wait lang! hindi pa ito ang katapusan dahil marami pang kaganapan na magaganap kaya abangan!

No comments:

Post a Comment