okey okey. asan na nga ba tayo sa ating kwento? oh! i get it. may tatlong ibon na namamahinga sa ilalim ng puno ng mangga tapos biglang lumitaw ang isang diwata with the boom boom pow epeks and then she granted them their wish of finding their tru lab. teka, naging dalaga na pala ang mga tatlong ibon and then sila ay super beautiful girls. ok, now let’s mub on to the next lebel okeh?
sa kaharian ng Laye…
“At para sa inyong unang kahilingan,” batid ni Diwata Sirdi.
*~boom boom pow~*
At sa isang kisapmata laman ay napuno ng stardust ang paligid.
“My gosh naman Diwata. You are causing air pollution,” reklamo ni Ligalig.
“There’s no air. No air.” sabi ni Luningning.
“Asan na po ba ang aming mga kahilingan?” tanong ni Ligaya while turning around to check out where her true love is.
“Sa inyong paglalakbay pauwi sa inyong tahanan ay inyong matatagpuan ang inyong mga tunay na pag-ibig. Sa ngayon ay kailangan ko ng mamahinga dahil mag-cha chat pa kami ni Haring Sirdi. Excited na kasi akong ipakita sa kaniya ang shades na binili ko eh. Ahihihihi.” sabi ng diwata habang kinikilig moments sa may ere.
“Ano naman yun. Na-excite pa naman ako.” sabi ni Ligaya.
“Ako nga rin eh. Tagal ko na ala boypren.” sabi ni Luningning.
“Gusto ko na nga rin mainlab eh. Di ko pa kasi na-try.” sabi ni Ligalig.“
First time mo?” sabay na tanong nina Ligaya at Luningning [remember coke commercial? harhar. la lang. advertisement.]
“Oh siya. siya. Mauna na ako mga gerls. Ciao!”paalam ng diwata sabay stardust everywhere again.
“Makauwi na nga ako. Magluluto pa ako ng SPAM.” sabi ni Ligaya.
“Spam? Ano yun?” tanong ni Luningning.
“Ah. Isang mahiwagang pagkain na nakalagay sa isang ginto na lagayan na nahanap ko sa Lupain ng Pagkain kahapon sa pamimili ko. Dalhan ko kayo bukas.” sagot ni Ligaya. “Bye!”
“Ako na rin. Mag harvest pa ako sa MukhangAklat.” sabi ni Ligalig.
“Mukhang aklat? Ano naman yun?” tanong ulit ni Luningning.
“Isa yung laro sa isang karton na may mga napipintot na mga maliliit na squares. Poptpal ang tawag dun. Nakaka-adik nga eh. Hehehe.” sabi ni Ligalig. “Kita-kits bukas wookie?”
“Sige. Babush.” sighed Luningning. “Well, it’s just me myslef and I.”
And the happy tree friends, este the three little berds, ay dalaga pala went on their own paths to their homes. Nagsimula ng maglakad si Luningning pakanluran ng sa di kalayuan ay may natanaw siyang isang maliit na kubo. Dahil sa kaniyang curiosity, nilapitan niya ang bahay and to find out that it was made of all kinds of chocolates: chocolate bars (hershey’s kisses, almond roca, reese’s, baby ruth, goya, pik-one, safari, fererro roche, choki choki..etc) and cookies.
“Joke time ba itong bahay na ito?” tanong ni Luningning sa sarili. “Hmm..something smells good inside.”
Pumasok si Luningning sa loob ng kubo and she found three chairs of different sizes: small, medium, large. And then sa mesa, may three bowls rin of different sizes. Naupo si Luningning sa Large chair at tinikman ang soup.
“Oh! This soup is too hot!” sabay inom ng tubig. Lumipat sa Medium chair si Luningning.
“Oh! This soup is too cold!” with shuddering shoulders. So siyempre, no choice na siya but to sit at the Small chair.
“Uwaaa! Oishii desu! [japanese for "Wow! Ang sarap!]” bigkas ni Luningning pagkatikim sa ikatlong bowl. “This is definitely Campbell’s.”
Pagkatapos kumain ni Luningning ay nag wander siya around the house hanggang sa siya ay nakarinig ng malalaking dabog mula sa labas ng bahay.
“Otuke otuke? [korean: what will i do? what will i do?" kabadong sabi ni Luningning.
"Fi Fay Fo Fum. I smell the blood of an Englishman!" sabi ng boses mula sa entrance ng kubo.
"Englishman ka diyan!" sigaw ni Luningning mula sa ilalim ng mesa. "I'm a woman."
"Ayy, me! She speaks!*" gasped the mysterious voice sa pinto.
"At hindi rin ako si Juliet kung ikaw man si Romeo!" sigaw ulit ni Luningning.[*note: from Romeo and Juliet. kalimutan ko na anong act at scene. hehe.]
“Nasaan ka? Ipakita mo ang tunay mong anyo!” medyo naiiritang sabi ng boses.
“Linya ni Cardcaptor sakura yun ah. heheh.” natatawang sabi ni Luningning sa sarili. “Before I let you see my real anyo, you have to promise me one thing.”
“Ano yun?” tanong ng boses.
“You have to promise not to fall in love with me.” kondisyon ni Luningning.
“Jamie Sullivan?” tanong ng boses.
“Hay naku. Ang kulit naman neto. Hindi ako si Englsihman, or si Juliet or si Jamie.” sagot ni Luningning habang lumabas mula sa ilalim ng mesa.
“Ako si…”
*~boom boom pow~*
And there was love in the air as the two hearts finally met each other marking that day as one magical day that they won’t ever forget.
“Oh, bakit ka natigilan? Akala ko ba magpapakilala ka?” tanong ni lalake.
“Ako si Luningning.” sagot ni Luningning with a chuba-choo-choo in her heart.
“Nice to meet you.” sabay courtsey ni lalake. “Ako si Ermi and welcome to my humble home.”
“Ermi? Baduy naman.” sabay tawa ni Luningning.
“It’s actually short for Ermitanyo.” sagot ni Ermi.
“Ah I see. No wonder may balbas ka.” patawang sabi ulit ni Luningning.
“Oy oy. ” sabi ni Ermi.
“Paumanhin po. Baka gawin mo akong palaka.” pang-asar ni Luningning. “Uhm, kailangan ko ng umuwi. Dumidilim na. Magrereview pa ako para sa aking klase sa musika. Nice meeting you Ermi!”
Kumakaway na tumakbong papalabas si Luningning mula sa kubo ng ermitanyo. Nakatayo laman sa pintuan si Ermi at tinatanaw ang papalayong si Luningning.
“Masyado kang maganda parang gawin kong palaka.” bulong ng ermitanyo. “Sana tayo ay magkausap muli Luningning.”
At nakangiting pumasok na sa kaniyang kubo ang ermitanyo.And Luningning was clueless about what her adventure was today.Today was the day that Luningning and Ermi were destined to meet.
*~boom boom pow~*
“Ang mga batang ito nga naman.” sabi ni Diwata Sirdi. “Aba aba naman. Si Ligaya ay tilang malungkot. Pero in just a minute ay makikilala na rin niya ang kaniyang true lab.”
Luningning + Ermi = True Lab. Ligaya + TheWho? Abangan sa ikatlong kabanata ng Adbentyur ng Tri Litel Berds at ni Fairygodmomma.
No comments:
Post a Comment