Wednesday, November 11, 2009

"Aalis na Siya" Part 5 sa Adbentyur ng Da Tri Litel Berds at ni Fairy Godmamma



"Aalis na siya Luningning." matamlay na kasagutan ni Ligaya. "Aalis na siya."

"Sino?" tanong ni Luningning. "Don't tell me si..."

"Oo. Si Prinsipe Yawnoc ay lilisan na." malungkot na sagot ni Ligaya. "Hindi ko man lamang siya nakausap muli."

"Puntahan mo na siya ngayon." suggested Luningning. "Ako na ang bahalang maghanda ng kakaining natin mamaya. Go go go!"

"Sigurado ka?" tanong ni Ligaya sa kaibigang naghahanda na ng isasaing sa kalan.

"Oo naman. What are friends are for?" sagot ni Luningning. "Oh sige na. Ika'y magmadali bago ka abutan ng dapit-hapon."

"Salamat Luningning." at si Ligaya ay lumabas na mula sa kubo.

Bago pa man siya makatapak sa lupa ay may liwanag na sumilaw sa kaniya.

"Dahil sa busilak ng iyong kalooban, isang kahilingan." sabi ng cute na diwata."By the way, I am a fairy godmother in training. My name is Aitak. Pinadala ako ni Diwatang Sirdi dahil abala sila ngayon ni Diwatang Eiger sa paghahanda sa Araw ng Pasasalamat."

"Ah okay." sagot ni Ligaya.

"Anyways, going back to our line: 'Dahil sa busilak ng iyong kalooban, isang kahilingan." continued Diwatang Aitak.

"Nais ko sanang malaman ni Prinsipe Yawnoc na kahit saan pa man siya mapunta ay patuloy siyang mananatili sa aking puso at isipan. Handa akong maghintay sa kaniyang pagbabalik mula sa kaniyang pakikipagsapalaran sa bagong mundo." naluluhang sagot ni Ligaya. "Siya nawa ay mabigyang proteksiyon sa kaniyang paglalakbay."

"Awww (Relief Society version)," simpatya ng diwata sa dilag. "O siya. Huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang paglalakbay ng iyong Prinsipe. Have faith little one."

Habang nag-uusap ang dalawa ay sa di kalayuan ay natatanaw ni Luningning ang pangyayari. Kaniyang kinuha ang kaniyang mahiwagang panulat at sinumulan ang kaniyang liham:

"Prinsipe Yawnoc,

Alam kong hindi tayo ganoon ka-close pero gagawin ko ang lahat para sa aking kaibigan. Anyways, nais ko lang sabihin sa iyo na maging isa kang mabuting mandirigma ng katotohanan sa bawat bayan na iyong mapuntahan. Patunayan mo sa lahat na ikaw ay tunay na dakila at ibahagi mo sa kanila ang kagandahan ng buhay na maaari nilang matamo sa katotohanang iyong dala para sa kanila. Alam kong kaya mo iyan. Ikaw pa na lumaki sa isang dakilang pamilya. ^_^

Anyways, I just wanted to say that my friend Ligaya wants to express how much she will miss you when you're gone. Huwag mo sana siyang biguin kaya magpakatino ka okay? Kung hindi eh hihilingin kong ibalik ka sa dati mong anyong Ak-ak. Hehe.

Ingatz tsong!

Luningning."

"Sa wakas at maipadala nga through Priority Mail." nakangiting sabi ni Luningning.

Siya ay tumayo mula sa mesa at ipinagpatuloy ang paghahanda niya ng hapunan para sa kaibigan. Sinigang as usual which is their favorite. Bumukas ang pintuan at pumasok si Ligaya na may ngiti na mula sa kaniyang mga mata. Sumunod na rin si Ligalig na abot tainga ang saya. Inilapag na sa mesa ni Luningning ang hapunan at nakisalo sa kaniyang mga kaibigan.

"Alam kong may rason kung bakit mapapatagal ang aking pananatili dito sa Laye." biglang sambit ni Ligaya. "Alam kong maiiwan ninyo ako sa susunod na paglalakbay but I won't be that sad anymore."

"Ako naman ay naka-move on na ng todo kaya tama na ang panunukso ok?" sabi naman ni Ligalig na sandamukal na dumukot ng kanin mula sa kaldero. "Tayo ay kumain na at maaga pa para bukas."

"Tama ka." sagot ni Ligaya. "Salamat nga pala Luningning sa pagluluto."

"Walang ano man iyon." nakangiting sagot ni Luningning. "Siyempre friends tayo eh."

"Balita ko may bago ka na raw na napupusuan?" biglang tanong ni Ligaya. "Maaari bang malaman?"

"Secret ko muna iyon para masaya." sagot ni Luningning na humihigop ng sabaw na saktong asim sampalok na suwak na suwak sa panlasa.

"Clue. Clue." tanong ni Ligaya. "Narito ba siya sa ating bayan?"

"Oo." diretsong sagot ni Luningning. "Yun lang pwede kong sabihin sa inyo."

"Sige na sabihin mo na." pleaded Ligaya. "O sige. Yung inchik sa may bayan iyan noh?"

"Hindi ah. Move on na ako dun." sagot ni Luningning.

"Yung pangulo ng samahan ng mga magsasaka?" tanong ni Ligaya.

"Hindi ko nga sasabihin eh ang kulit." sagot ni Luningning.

"Ay basta ako ay kakain lamang ng sinigang." sagot ni Ligalig.

"Okay ito ang deal. Isulat ninyo ang pangalan ng lahat ng lalakeng kilala ninyo dito sa ating pueblo and then pick your top 5. Saka ko sasabihin kung naroon sa mga pinili ninyo." sabay tayo mula sa hapag-kainan ni Luningning at kumuha na inumin.

"Deal." sagot ni Ligaya na kumuha naman ng pluma at panulat.

***

Nais niyo bang malaman kung sino ang Top 5? At teka, ano na pala ang nanyari kay Ermi? Tuluyan na nga ba siyang naging Ermitanyo? Abangan sa susunod na mga Adbentyurs ng Da Tri Litel Berds at ni Fairygodmomma. ^^

No comments:

Post a Comment