Wednesday, November 11, 2009
"Haw R U Ligalig?" Part 4 sa Adbentyur ng Da Tri Litel Berds at ni Fairy Godmamma
Well, well, well. Kay tagal ko nang nawala, babalik pa rin. Babalik pa rin. Nasaan na nga ba tayo? Ah, I remember now. Lemme do it all over again para ma-represh naman ang ating mga maynds. Okeh okeh?
Ehem. Ehem. So isang araw habang namamahinga and tatlo nating mga ibon sa sanga ng punong mangga ay may lumitaw na magandang diwatang si Diwatang Sirdi. Binigyan niya silang tatlo ng kahilingan at sila ay naging tatlong magagandang dalaga.
Tapos hindi lamang doon nagtatapos ang kasiyahang nadarama ng ating tatlong bida dahil sila ay nabigyan ng misyon that would lead to the crossroads of meeting their Prince Charming. So nangyari na nga. Una sa ating kwento ay si Luningning na nakatagpo kay Ermi the Ermitanyo. Gumala-gala sa woods isang araw si Luningning and the story was kinda like Goldilocks and Little Red Riding Hood. Anyways. Sumunod naman ay si Ligaya na puno ng ligaya ng kaniyang nakilala ang kaniyang tru lab. Mula sa isang ibong pinangalanan niyang Ak-ak (dahil that was all that the bird was saying) ay nadiskubre niya na si Ak-ak pala ay isang isinumpang Prinsipe mula sa Coney Island.
And now, it is Ligalig’s turn to meet her tru lab. This is a different story kasi hindi siya kasing comedy ng kay Luningning at Ermi or kasing dramatic ng kay Ligaya at kay Prinsipe Yawnoc (formerly as Ak-ak the bird). Kasi this relationship is complicated (parang Facebook status ah? Heheh.). So let’s start the adbentyur right here, right now. Go! Go! Go!
Sa gitna ng bukid ay ating matatagpuan an gating bida. Si Ligalig ay naglalakad na tila ba’y kay lalim ng iniisip. Sa di kalayuan ay kaniyang natanaw ang mga kaibigang sina Luningning at Ligaya.
“Ligalig!” tawag ni Luningning.
“Oh, napadaan kayo!” sagot ni ni Ligalig.
“Eh wala na kaming magawa sa bahay eh kaya naisipan naming bumisita naman sa iyo.” Sagot ni Ligaya.
“Oy alam niyo ba na nag-text si Kulot sa akin?” bahagi ni Ligalig.
“Talaga?” tanong ni Ligaya. “Kumusta na pala kayo mula ng nangibang bayan na siya?”
"Mabuti pa rin naman siya." sagot ni Ligalig. "Ganoon pa man ay namimis ko rin naman siya."
"Tru lab nga naman." sagot ni Luningning.
*tenenenen-tenenenen-tenenenene* (Nokia tone pag may message received)
"Uy may text ka Ligalig" sabay abot ng cellphone ni Luningning.
"Maigas. Kanino naman kaya galing ito." at sa kaniyang gulat ay napasigaw siya ng "How!"
"How?" tanong ni Luningning. "Eh hindi ba dapat 'who' kung nagtataka ka kung kanina galing ang text?"
"No, ibig ko sabihin it's 'how'" sagot ni Ligalig.
"Ang gugulo ninyo," sabi ni Ligaya. "Patingin nga."
At ang tatlong dalaga ay nagkagulo sa text message sa motorolang cellphone ni Ligalig.
"From: Unknown Sender
Message:
Ligalig, haw r u?
End of Message"
"Huwaw!" exclaimed Luningning. "Dalaga na si bunso."
"Shattap!" sagot ni Ligalig. "Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya eh."
"Ligalig is in lab." kanchaw ni Ligaya. "Pero di namin man lamang alam ang buong kwento. Ligalig, tell us HOW it all began?"
"Tama na nga kayo. Nag mub on na ako okei?" depensib na sagot ni Ligalig sa dalawa. "Tama na ang pangaasar sa akin abawt him. It is done. It is finished no matter HOW!"
At as usual, girls are girls nga naman. So for a few minutes of todo denial to death about Ligalig's admirer eh natapos nag-shift ang situation sa biglang pagdating ng bagong heartthrob sa eksena.
"Excuse me?" came a voice from behind.
"Maryang Kamote!" gulat na sabi ni Ligalig. "Maigas naman parang kabuteng sisipot sa kung saan..."
*hearts hearts in the air + love birds singing + bells ringing*
Kung hindi niyo ma-imagine ang sitwasyon eh I'll explain it. May isang lalakeng sumipot sa eksena. Hindi siya ekstra or epal lang pero siya na pala ang tunay na makapagpapatibok sa puso ni Ligalig. Tawagin na laman natin siya sa pangalang Leinad. Matangkad, pogi (op kors!) at mestiso. Galing siya mula sa kaniyang paglalakbay sa Elihc at naghahanap ng pinakamalapit na matutuluyan. Okay. Si Ligalig na bahala sa ibang bahagi ng kwento. Let's go back.
"Leinad?" tanong ni Ligalig.
"Ligalig?" tanong rin ni Leinad.
"Magkakilala kayo?" tanong nina Ligaya at Luningning.
"Oo. Magkamag-aral kami sa paaralan sa bayan." nasha-shy na sagot ni Ligalig sa kaniyang mga kaibigan. "Siya nga pala, sila ang aking mga kaibigan: si Ligaya at si Luningning."
"Comostas?" tanong ni Luningning.
"Muy Bien. Muy Bien." sagot ni Leinad.
"Nice meeting you." sagot ni Ligaya. "Siya nga pala, Ligalig, ihahanda lamang namin ni Luningning ang meryenda. Maiwan muna namin kayo."
"Uy,..." pleaded Ligalig na medyo na-conscious dahil sila ay iiwan all alone together under the mango tree by the green green grass all around all around.
"Kita-kits na lamang sa kubo." paalam ni Luningning.
So naglakad papunta sa kubo sina Ligaya at Luningning habang nakatingin pa rin kina Ligalig at Leinad na masayang nagkukwentuhan sa ilalim ng puno ng mangga. Natawa na lamang ang dalawa dahil sa wakas ay nakahanap na rin ng mamahalin, I mean that is too serious sounding, but atleast, someone who could inspire their friend Ligalig. Habang papalapit na sila sa may kubo ay napansin ni Luningning na may kalungkutang bumabalot sa mukha ng kaniyang kaibigang si Ligaya.
"Ligaya, mukhang hindi ka ata maligaya sa ngayon." tanong ni Luningning kay Ligaya who was staring blankly at the sky and dragging her two feet.
"Aalis na siya Luningning." matamlay na sagot ni Ligaya. "Aalis na siya."
"Sino?" tanong ni Luningning. "Don't tell me aalis na si..."
To be continued....
"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment