Friday, November 13, 2009
Para sa Isang Kuya (Peejay Baligod, 1984-2009)
Unang araw yung ng second sem sa Vargas. As usual, magulo na naman ang classroom 304 dahil late na naman ang mga teachers. Yung mga lalake sa likod as usual ay nagkwekwentuhan tungkol sa chicks na nakilala nila nung sembreak. Ang mga girls naman sa aking gilid ay busy na nagtetext sa kanilang mga boylets at fafa.
Ako ay nakatingin lamang sa aking relo. Naghihintay. Late na si Sir ng 15 minutes. Wala ng class.
Yayayain ko na sana si Arlene na magmeryenda sa tindahan nina Ate Baby sa may kanto ng biglang pumasok ang isang estudyante na ngayon ko lamang nakita.
Matangkad.
Maputi.
Mestiso, kita mo sa tangos ng ilong.
May silver na bracelet sa kaniyang kanang kamay.
Naka-ayos Jose Rizal ang buhok.
Plantsadong polo at itim na slacks.
Makintab ang sapatos.
Catleya binder at yellowpad sa kaliwa.
Umupo siya sa aking tabi sa unang hilera.
Nagtinginan lamang kami ni Arlene. Alam ko ang iniisip niya. Cute siya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya na tahimik lamang na nakaupo at nakatitig sa sahig.
"Peejay" ang kaniyang batid.
"Bago ka? Transferee?" tanong ni Arlene.
"Irre ako. 2nd year na ako. INC kasi ako sa subject na ito last year kaya take ko ulit." ang sagot niya.
"Ah ok. Ako pala si Naomi. Siya naman si Arlene." ang aking pakilala.
"Anak ka ni Sir Yanga hindi ba?" tanong niya. "Teacher ko siya sa Psychology dati eh. Magaling siya at mabait."
"Hehe.." ang aking nasabi.
Nais pa man naming magkwentuhan ay dumating na rin sa wakas ang aming guro. Super late na nga siya eh nagklase pa rin kahit papaano.
Sa loob ng apatnaput limang minuto, ito ang aming tinalakay.
Ano ang ginawa noong sembreak.
Ang mga chicks na magagandang nakita sa bakasyon.
Sino ang nabuntis noong bakasyon.
Sinong nag-asawa na.
Sino ang tumaba at pumayat.
Sino ang may new haircut.
At kung ano ano pa mang chismis na ginagawang "educational" ni prof.
Ako ay tumingin muli sa aking orasan at sa wakas ay alas dose na.
Kainan na.
Dali dali kaming bumaba mula sa third floor na classroom patungo sa tindahan nina Ate Baby para mananghalian. Panalo ang mga karinderya sa mga estudyanteng katulad namin dito sa Tugue. Lalo na pag nagpapapansit kayo. Ay naku. Suwak na suwak ang bentahan. Isabay mo na rin ang buko or mango juice na tig-singko pesos. Solb na solb ang kainan.
Nakisabay sa amin si Kuya Peejay sa mesa at pinakilala namin siya sa iba pang mga kaklase. They got along well with each other naman and that became the beginning of our friendship.
Napakabait ni kuya. Lumiliban man siya sa klase paminsan-minsan ay ginagawan niya ng paraan upang malaman niya kung ano ang tinalakay sa araw na siya ay wala. Masipag siya na mag-aaral at nakikita mo sa library pag vacant time. Matalino siya at magaling mag-analize ng homework kahit mula sa sampung sources na iyon kinopya, tuloy pa rin siya sa pag-intindi. Matapang si kuya. Kung alam niya na ikaw ay nasa tama, gagawin niya ang lahat upang mapatunayan ang iyong stand sa situation. Para sa akin, hindi ko nakita si kuya bilang isang crush, kahit na may potential nga siyang maging isang crush (at dahil crush na siya ni Arlene) ngunit bilang isang kuya na matatakbuhan kahit kailan.
Isang araw ay nakita ko si kuya sa tapat ng tindahan na nagyoyosi break kasama ang ibang boys. Nagulat ako kasi di ko alam na nagyoyosi pala si kuya. Lumapit ako sa kanila at sinabi ko na sinasayang lang nila ang pera nila sa yosi. Sabi nila eh pang-relax lamang daw. Sabi ko ay di ko sila kakausapin hanggang hindi nila itigil ang bisyo nila.
Nagpatuloy sila sa paghithit.
Itinapon ni kuya ang sigarilyo niyang kasisindi pa lamang.
"Sorry Bunso. Di na mauulit." sambit ni kuya na sumunod sa akin papasok ng school building.
Bunso. Ako ay natuwa mula ng tinawag niya akong bunso. May kuya na rin ako sa wakas.
"Salamat Kuya," ang nakangiti kong sagot sa kaniya habang kami ay sabay ng pumanik sa room 304.
Nagdaan ang ilang araw at medyo naging busy na rin kami sa mga projects at homeworks. Pagbaba ko sa may auditorium ay nakasalubong ko si Kuya. Tinawag niya ako para mag-usap.
"Bunso, bakit hindi mo sinabi sa akin na boyfriend mo si Kenneth?" ang diretsong tanong ni kuya.
Hindi ako nakasagot at naramdaman ko ang pagiging kuya niya.
"Sorry po," ang tanging salitang lumabas sa aking bibig. Muntik na akong maiyak at nahiya talaga ako sa ginawa kong paglihim sa kaniya.
"Mag-ingat ka lang kasi may pagka bad boy yun. Ayaw ko na ma-distract ka sa pag-aaral mo ok?" payo ni kuya sa akin. "Alam ba ng daddy mo?"
"Hindi nga eh. Kaya secret lang natin kuya ha?" aking paki-usap sa kaniya. "Sige na libre kita McDo maya kuya. Please?"
" Deal bunso." sabay appear.
At mula noon ay sinasabi ko na lahat kay kuya. Well, I mean pinapakilala ko na sa kaniya ang mga nanliligaw sa akin at tinatanong ko ang opinyon niya. Malas nalang nila kung hindi sila makaporma. Nariyan si body guard kaya off limits.
Masaya ako at nakilala ko sa aking buhay si Kuya Peejay. Tunay siyang naging isang kuya para sa akin. Kung pwede nga lang siyang i-adapt eh di may kuya na talaga ako. Kahit ganoon pa man, he never left my side. Narito man na ako sa Hawaii, in touch pa rin siya sa akin. Infact, nag post pa siya ng comment sa Friendster ko. Ganito ang sabi:
PJ
09/10/2009 2:22 am
elow bunso...mzta?
miss na kta...
xanga pla qng gus2 mo kunin ktang ninang sa chistening ng baby ko sa october 4...gus2 ktang mging ninang ehh..
ingat ka lgi dyan...study hard and may GOD Bless U..*
PJ
09/22/2009 3:13 am
naks!!!tlaga lng ahh...
kaya mo yan bunso...
just study hard and love ur work and one day will come u will be succesed in
ur life..
anyway..it's baby boy bunso..mag 1 year na this coming october 4..
cge bunso..ililista nlng kta.just message me to this # my
dear..09053920605..# sa bahay yan..basta magpa2kila2 ka ahh...^_^..
cge bunso..este mare..hahaha..nagu2luhan na 2loy aq..hahahahah.....
Just kip in touch..study hard po. And MAY GOD BLESS U always!!!
missing u............tke Care alwayss!..........
PJ
09/29/2009 1:36 am
ok bunso..just kip up d gud work.
i miss u too especially ur company...
ingat ka lgi dyan...study hard po...
GOD BLESS U lagi
Miss na rin po kita kuya. Nasaan ka man ngayon, pangako ko po sa inyo na gagalingan ko sa lahat ng mga subjects ko dito. Kahit ano pa man ang mangyari, hindi kita makakalimutan. At bakit ko nga naman kalilimutan ang isang Kuya Peejay Baligod? Kayo lang ang nag-iisa ang you will always be my dearest Kuya Peejay.
Sa ating muling pagkikita.
Nagmamahal ng lubusan,
Ang iyong bunso,
Naomi Kaye Amistad Yanga
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment