Saturday, September 25, 2010

Labintatlong Araw


Ngayong lamang ako napaisip ng ganito at

ngayon lamang ako nakadama ng pagkalito.

Sabi ng isip ko, "Huwag muna".

Sabi ng puso ko, "Kailangan kita".


Tuwing matutulog, ikaw ay nasa isip.

Kulang na lamang pati pa sa aking mga panaginip.

Sabi ng mga magulang ko, "Huwag magmadali".

Sabi ng puso ko, "Kahit lamang ilang sandali".


Paggising sa umaga, sa isip ko ikaw ay una

hanggang pagdating sa trabaho. Tuliro sa bawat umaga.

Sabi ng mga kaibigan ko, "Maghanap ng iba".

Sabi ng puso ko, "Ikaw lang ang nais kong makita".


Lumipas ang ilang mga araw at ako pa rin ay balisa at

hindi ko matanto kung ano ang sa akin ay gumagambala,

Hanggang sinabi ng isip ko, "Bakit hindi mo subukan?"

at sinabi ng aking puso na "Wala namang masama kung tunay ang iyong nararamdaman".


Alas onse ng umaga ng landas natin ay nagkatagpo.

Ang tangi kong kahilingan ay malaman ang nararamdaman kong totoo.

Sa loob ng labintatlong araw, dumating na rin ang pagkakataong aking hinihintay

kung saan ang aking puso't isipa'y sumang-ayon ng iyong hinawakan ang aking mga kamay.


Pag-ibig minsan ay palabiro

lalo na pag hindi inaasahang mapana ni Kupido.

Ngayon ay hindi na ako nababalisa o nalilito

dahil ako lamang pala ay nahuhulog para sa iyo.


Saranghaeyo (^^.)~

A Love Song for No One

Sana by Naomi Kaye Amistad Yanga

Chords: G-Em-C-D

Am-D

G-Em-C-D

My eyes are were tired from being in front of the computer so I decided to practice my song writing skills once again. ^^. Thank Stick-O for the guitar. :) I think that writing from your experience makes the best songs. hahaha. So this is how my love life was 7 years ago. hahaha. :P

G-Em-C-D

Ako'y labing-apat na taon

Ng una kong nakita ang kaniyang ngiti

Hindi maiwasan na ang aking puso

as sa kaniya mawili

Am-D

Ngunit ilang beses pa ba akong luluha

Upan malaman niyang mahal ko siya?

G-Em-C-D

* Sana, sana hanggang ngayon ay kami pa

Sana ay kaniyang nadama kahit hindi ako nagsasalita

G-Em-C-D

Ako ay labingwalo

Ng siya ay dumating sa buhay ko

Puno ng ligaya hanggang

siya ay nabuko

At aking tinanong kung ano pa ba ang kulang

ngayong apat na kami na kaniyang kasintahan

Am-D

Ngunit ubos na ang aking mga luha

At hindi ko na alam kung mahal ko pa siya

G-Em-C-D

*Sana, sana hindi na nasaktan pa

Sana, sana puso ko ay buo pa

G-Em-C-D

Ngayon ako ay bente uno na

Mayroon pa nga bang tunay na pagsinta?

Siguro puso ko'y dapat ng magpahinga

At ipagsasantabi ang aking pagluha

Am-D

Dahil sa tunay na pag-ibig di kailangan lumuha

At sa aking mga mata ay iyong madarama

G-Em-C-D

* Sana, sana ngayon ay alam mo na

Sana sa hanggang magpakailanman ay tayo pa ring dalawa.