Saturday, November 21, 2009

Plano ko sa Aking Buhay


I still cannot start my paper for History so I just thought of writing down my future goals. I would always remember what one of our Apostles had said that "A goal that is not written is only a wish" so I also had written this down in my journal, and in my 2 other blog sites to remind me. ^^

Anyways, here is a short preview of what I am planning to do in life and some major events that I really should think very critically about.

WINTER2010: Yeay! I can now move to Hale 1. But I need to sign up first of course (let me log on to BYUH. teeheehee.) Yayaman na ako! Pwede ko ng araw-arawin ang sinigang! I'll also be able to eat what I want to eat without worrying about how oily or how salty the food is because I will be in charge of the cooking. In short, I can make my vegie salad the way that I want it with raw fish! I will also be able to use my cooking skills again! How I miss cooking!

SPRING 2010: I hope INTERMEDIATE PHOTOGRAPHY will be offered this semester. If not, maybe I will take BEGINNING SWIMMING class para naman pag-uwi ko eh marunong na akong lumangoy. Hahaha. Dagat na nga ang paligid ko tapos di pa rin ako marunong lumangoy. Hahaha. I will also make it a goal that I will make an A for all my subjects like what I did last Spring. If others can, why can't I hindi ba? ^^

SUMMER2010: Which also spells JUNE 10, 2010. Oh my goshhh! Bente uno na ako?!?! Twenty-one. Dalawampu't-isang taon na ako. Ni-ichi desu. Can't believe how fast time flies. But hey, age is just a number. I can choose to enjoy what I have while I am young and later feel accomplished as I grow wiser in life. ^^

FALL2010: I'm here in Hawaii for 2 years! I will have my annual pay increase again ($7.75 na ako per hour! hahah) and have more fun in my major classes. I also will be preparing for my Internship for Winter.

WINTER2011: Pilipinas I'm coming home! After 2 years of being in Hawaii, I can finally get to see my home country for my 4-month internship! Oha, it all ends up well. Maybe I really am mature enough not to feel super homesick (though I miss the Ukay-Ukay at times and the street foods and our mall kahit maliit lang iyon) for the 2 years of my stay here in Hawaii. I will be super excited to see my family, my relatives, the members in our stake, my old school friends and teachers. Although I may not stay long in my town, atleast I get to see the people I love. I really would want to have my internship in ABS-CBN or in SUMMIT MEDIA. If I won't find any vacancy, then I can always find one in the Church Public Affairs right? ^_^. I will be willing to share to them what I have learned in Media Arts.

SPRING2011: Few more steps and I am done! Graduation Day na! I will be forever indebted to BYUH for the excellent education that they had instilled in me and for helping me develop my abilities and talents to the very fullest. The whole day is not enough for me to name all the wonderful blessings that I had received during my education here in BYUH. From my international friends, to the brilliant professors to the loving Church, School, and Work leaders, I owe the world to you all. I sound like giving a graduation speech here now. Haha. I am beyond thankful for the Lord for having me experience this blessing in my life. Thank you from the bottom of my heart. ^^

JUNE 10, 2011: My 22nd birthday?!?! Hindi nga?!? (tanda ka na!!!!) As far as I can asses, this is the turning point in my life because from where I stand, I am faced with two roads diverged two paths (parang yung tula ni Robert Frost na "The Road Not Taken" kaso lang eto I can take whichever road depending sa situation. hihihi). These are the two possible roads that I may take:

ROAD A: SERVE A MISSION: Sakto lang naman because I have finished school and I ought to be home for 4 years to be able to pay off my IWORK scholarship. I would use the money that I was able to save to pay off my medical and my missionary fund. Not only that I had helped my family but it makes me feel accomplished whenever I get to pay for my own expenses.The one and a half year of my mission would also be a wonderful experience for me to be able to reach out and serve our brethren and sisters who have not yet heard of the goodness of the gospel. I would definitely love to share the blessings that the gospel had brought about in my life to those who are lonely and feeling that it is the end of hope. I would love to share the light that I have to them and make them see life on the brighter side. I would love to go where the Lord would want me to go. ^^.

ROAD B: TEMPLE MARRIAGE: By this time, GRADUATE na ako kaya siguro naman papayagan na ako ng Mommy kong magka-boyfriend right? Hahaha. Anyways, I know that it is a little off to set up "signs" for me to take ROAD B but I still made one. LOL. If there would be this "worthy Priesthood leader" that would bring me to the temple and be sealed with him for time and through all eternity after I come from my internship or after my graduation then he would definitely deserve my sweet YES. Siyempre naman dapat makilala muna siya ng buong angkan para sa todong screening. Wahaha. And then I will ask them: "Is he IN or OUT?" LOL. Moving on. Kunwari eh okay na so kasal mode na. Siyempre imbitado ang PINOY CLUB sa kasal ko. Love ko sila eh kahit na minsan eh, alam mo na. Haha. The money that I was able to save would be used to have a modest celebration and maybe to start a little living. Makakatipid na rin ako kasi I can call on Kuya Ron to be my photographer and then Ira and Kei would be my wedding planners. Ate Apple and Trixie would also be there to take care of the cake and the catering. Nariyan rin si Zannie and the rest to sing for my reception. Siyempre, my batchmates (Nyla, Phoebe, Jaq, Irish, Jessa, Juna...) would also be there to make the day memorable with their talents. Mukhang I sound na planado na lahat ah. Heheh. Ayos na pala lahat! ^^

Tapos siyempre, katulad ng sabi ni Katia, I will definitely have cute anime kids. Pwede na siguro ang tatlo hanggang limang chibi. heheh.

Sa wakas at kahit papaano ay naging productive ako sa gabing ito. I had made my plans in life and I will do my best to accomplish them.

Sa ngayon, I need to start my research paper.

The first step para umusad. Haha.

Hugs and Kisses,
Naomi

Saturday, November 14, 2009

My Graduation Wish

I have all the two years to make my wish come true so why not take the chance and list the things that I would want to have before I finally step out to the real world?

(arranged according to the highest importance ^_^)

1. Canon PowerShot G11 10MP Digital Camera with 5x Wide Angle Optical Stabilized Zoom and 2.8-inch articulating LCD or a Canon EOS 50D Black 15.1 MP Digital SLR if I will be able to save upto that much. ^_^ (this would also include a tripod and a release remote)

Reason: I realized that if I would pursue photography as my profession, then I would definitely need the best for my work!

2. Canon FS200 Flash Memory Camcorder with 41x Advanced Zoom

Reason: Well, maybe I can take my friends' wedding ceremony too. ^_^

3. Western Digital My Passport Essential SE 1 TB USB 2.0 Portable External Hard Drive

Reason: Big jobs (such as editing and storing project files) demands for Bigger Memory

4. Apple iPod classic 160 GB + Skullcandy Headphones In White

Reason: After a day's work, it's time to drown away the stress in music.

5. PSP 3000

Reason: John Rick won't sell me his so I'll buy my own. LOL.

I can die happily if ever I got to get any of these before I graduate. It makes me feel accomplished when I am able to buy the things that I need. ^_^. Priority and focus on the things that you really want to want to pursue for profession is the key.

And saving starts now!

Friday, November 13, 2009

Para sa Isang Kuya (Peejay Baligod, 1984-2009)


Unang araw yung ng second sem sa Vargas. As usual, magulo na naman ang classroom 304 dahil late na naman ang mga teachers. Yung mga lalake sa likod as usual ay nagkwekwentuhan tungkol sa chicks na nakilala nila nung sembreak. Ang mga girls naman sa aking gilid ay busy na nagtetext sa kanilang mga boylets at fafa.

Ako ay nakatingin lamang sa aking relo. Naghihintay. Late na si Sir ng 15 minutes. Wala ng class.

Yayayain ko na sana si Arlene na magmeryenda sa tindahan nina Ate Baby sa may kanto ng biglang pumasok ang isang estudyante na ngayon ko lamang nakita.

Matangkad.
Maputi.
Mestiso, kita mo sa tangos ng ilong.
May silver na bracelet sa kaniyang kanang kamay.
Naka-ayos Jose Rizal ang buhok.
Plantsadong polo at itim na slacks.
Makintab ang sapatos.
Catleya binder at yellowpad sa kaliwa.

Umupo siya sa aking tabi sa unang hilera.

Nagtinginan lamang kami ni Arlene. Alam ko ang iniisip niya. Cute siya.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya na tahimik lamang na nakaupo at nakatitig sa sahig.

"Peejay" ang kaniyang batid.

"Bago ka? Transferee?" tanong ni Arlene.

"Irre ako. 2nd year na ako. INC kasi ako sa subject na ito last year kaya take ko ulit." ang sagot niya.

"Ah ok. Ako pala si Naomi. Siya naman si Arlene." ang aking pakilala.

"Anak ka ni Sir Yanga hindi ba?" tanong niya. "Teacher ko siya sa Psychology dati eh. Magaling siya at mabait."

"Hehe.." ang aking nasabi.

Nais pa man naming magkwentuhan ay dumating na rin sa wakas ang aming guro. Super late na nga siya eh nagklase pa rin kahit papaano.

Sa loob ng apatnaput limang minuto, ito ang aming tinalakay.

Ano ang ginawa noong sembreak.
Ang mga chicks na magagandang nakita sa bakasyon.
Sino ang nabuntis noong bakasyon.
Sinong nag-asawa na.
Sino ang tumaba at pumayat.
Sino ang may new haircut.
At kung ano ano pa mang chismis na ginagawang "educational" ni prof.

Ako ay tumingin muli sa aking orasan at sa wakas ay alas dose na.

Kainan na.

Dali dali kaming bumaba mula sa third floor na classroom patungo sa tindahan nina Ate Baby para mananghalian. Panalo ang mga karinderya sa mga estudyanteng katulad namin dito sa Tugue. Lalo na pag nagpapapansit kayo. Ay naku. Suwak na suwak ang bentahan. Isabay mo na rin ang buko or mango juice na tig-singko pesos. Solb na solb ang kainan.

Nakisabay sa amin si Kuya Peejay sa mesa at pinakilala namin siya sa iba pang mga kaklase. They got along well with each other naman and that became the beginning of our friendship.

Napakabait ni kuya. Lumiliban man siya sa klase paminsan-minsan ay ginagawan niya ng paraan upang malaman niya kung ano ang tinalakay sa araw na siya ay wala. Masipag siya na mag-aaral at nakikita mo sa library pag vacant time. Matalino siya at magaling mag-analize ng homework kahit mula sa sampung sources na iyon kinopya, tuloy pa rin siya sa pag-intindi. Matapang si kuya. Kung alam niya na ikaw ay nasa tama, gagawin niya ang lahat upang mapatunayan ang iyong stand sa situation. Para sa akin, hindi ko nakita si kuya bilang isang crush, kahit na may potential nga siyang maging isang crush (at dahil crush na siya ni Arlene) ngunit bilang isang kuya na matatakbuhan kahit kailan.

Isang araw ay nakita ko si kuya sa tapat ng tindahan na nagyoyosi break kasama ang ibang boys. Nagulat ako kasi di ko alam na nagyoyosi pala si kuya. Lumapit ako sa kanila at sinabi ko na sinasayang lang nila ang pera nila sa yosi. Sabi nila eh pang-relax lamang daw. Sabi ko ay di ko sila kakausapin hanggang hindi nila itigil ang bisyo nila.

Nagpatuloy sila sa paghithit.
Itinapon ni kuya ang sigarilyo niyang kasisindi pa lamang.

"Sorry Bunso. Di na mauulit." sambit ni kuya na sumunod sa akin papasok ng school building.

Bunso. Ako ay natuwa mula ng tinawag niya akong bunso. May kuya na rin ako sa wakas.

"Salamat Kuya," ang nakangiti kong sagot sa kaniya habang kami ay sabay ng pumanik sa room 304.

Nagdaan ang ilang araw at medyo naging busy na rin kami sa mga projects at homeworks. Pagbaba ko sa may auditorium ay nakasalubong ko si Kuya. Tinawag niya ako para mag-usap.

"Bunso, bakit hindi mo sinabi sa akin na boyfriend mo si Kenneth?" ang diretsong tanong ni kuya.

Hindi ako nakasagot at naramdaman ko ang pagiging kuya niya.

"Sorry po," ang tanging salitang lumabas sa aking bibig. Muntik na akong maiyak at nahiya talaga ako sa ginawa kong paglihim sa kaniya.

"Mag-ingat ka lang kasi may pagka bad boy yun. Ayaw ko na ma-distract ka sa pag-aaral mo ok?" payo ni kuya sa akin. "Alam ba ng daddy mo?"

"Hindi nga eh. Kaya secret lang natin kuya ha?" aking paki-usap sa kaniya. "Sige na libre kita McDo maya kuya. Please?"

" Deal bunso." sabay appear.

At mula noon ay sinasabi ko na lahat kay kuya. Well, I mean pinapakilala ko na sa kaniya ang mga nanliligaw sa akin at tinatanong ko ang opinyon niya. Malas nalang nila kung hindi sila makaporma. Nariyan si body guard kaya off limits.

Masaya ako at nakilala ko sa aking buhay si Kuya Peejay. Tunay siyang naging isang kuya para sa akin. Kung pwede nga lang siyang i-adapt eh di may kuya na talaga ako. Kahit ganoon pa man, he never left my side. Narito man na ako sa Hawaii, in touch pa rin siya sa akin. Infact, nag post pa siya ng comment sa Friendster ko. Ganito ang sabi:


PJ
09/10/2009 2:22 am

elow bunso...mzta?

miss na kta...
xanga pla qng gus2 mo kunin ktang ninang sa chistening ng baby ko sa october 4...gus2 ktang mging ninang ehh..
ingat ka lgi dyan...study hard and may GOD Bless U..*


PJ
09/22/2009 3:13 am

naks!!!tlaga lng ahh...

kaya mo yan bunso...

just study hard and love ur work and one day will come u will be succesed in

ur life..

anyway..it's baby boy bunso..mag 1 year na this coming october 4..

cge bunso..ililista nlng kta.just message me to this # my

dear..09053920605..# sa bahay yan..ba
sta magpa2kila2 ka ahh...^_^..

cge bunso..este mare..hahaha..nagu2luhan na 2loy aq..hahahahah.....

Just kip in touch..study hard po. And MAY GOD BLESS U always!!!

missing u............tke Care alwayss!..........


PJ
09/29/2009 1:36 am

ok bunso..just kip up d gud work.

i miss u too especially ur company...

ingat ka lgi dyan...study hard po...

GOD BLESS U lagi





Miss na rin po kita kuya. Nasaan ka man ngayon, pangako ko po sa inyo na gagalingan ko sa lahat ng mga subjects ko dito. Kahit ano pa man ang mangyari, hindi kita makakalimutan. At bakit ko nga naman kalilimutan ang isang Kuya Peejay Baligod? Kayo lang ang nag-iisa ang you will always be my dearest Kuya Peejay.

Sa ating muling pagkikita.

Nagmamahal ng lubusan,
Ang iyong bunso,

Naomi Kaye Amistad Yanga

Wednesday, November 11, 2009

"Aalis na Siya" Part 5 sa Adbentyur ng Da Tri Litel Berds at ni Fairy Godmamma



"Aalis na siya Luningning." matamlay na kasagutan ni Ligaya. "Aalis na siya."

"Sino?" tanong ni Luningning. "Don't tell me si..."

"Oo. Si Prinsipe Yawnoc ay lilisan na." malungkot na sagot ni Ligaya. "Hindi ko man lamang siya nakausap muli."

"Puntahan mo na siya ngayon." suggested Luningning. "Ako na ang bahalang maghanda ng kakaining natin mamaya. Go go go!"

"Sigurado ka?" tanong ni Ligaya sa kaibigang naghahanda na ng isasaing sa kalan.

"Oo naman. What are friends are for?" sagot ni Luningning. "Oh sige na. Ika'y magmadali bago ka abutan ng dapit-hapon."

"Salamat Luningning." at si Ligaya ay lumabas na mula sa kubo.

Bago pa man siya makatapak sa lupa ay may liwanag na sumilaw sa kaniya.

"Dahil sa busilak ng iyong kalooban, isang kahilingan." sabi ng cute na diwata."By the way, I am a fairy godmother in training. My name is Aitak. Pinadala ako ni Diwatang Sirdi dahil abala sila ngayon ni Diwatang Eiger sa paghahanda sa Araw ng Pasasalamat."

"Ah okay." sagot ni Ligaya.

"Anyways, going back to our line: 'Dahil sa busilak ng iyong kalooban, isang kahilingan." continued Diwatang Aitak.

"Nais ko sanang malaman ni Prinsipe Yawnoc na kahit saan pa man siya mapunta ay patuloy siyang mananatili sa aking puso at isipan. Handa akong maghintay sa kaniyang pagbabalik mula sa kaniyang pakikipagsapalaran sa bagong mundo." naluluhang sagot ni Ligaya. "Siya nawa ay mabigyang proteksiyon sa kaniyang paglalakbay."

"Awww (Relief Society version)," simpatya ng diwata sa dilag. "O siya. Huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang paglalakbay ng iyong Prinsipe. Have faith little one."

Habang nag-uusap ang dalawa ay sa di kalayuan ay natatanaw ni Luningning ang pangyayari. Kaniyang kinuha ang kaniyang mahiwagang panulat at sinumulan ang kaniyang liham:

"Prinsipe Yawnoc,

Alam kong hindi tayo ganoon ka-close pero gagawin ko ang lahat para sa aking kaibigan. Anyways, nais ko lang sabihin sa iyo na maging isa kang mabuting mandirigma ng katotohanan sa bawat bayan na iyong mapuntahan. Patunayan mo sa lahat na ikaw ay tunay na dakila at ibahagi mo sa kanila ang kagandahan ng buhay na maaari nilang matamo sa katotohanang iyong dala para sa kanila. Alam kong kaya mo iyan. Ikaw pa na lumaki sa isang dakilang pamilya. ^_^

Anyways, I just wanted to say that my friend Ligaya wants to express how much she will miss you when you're gone. Huwag mo sana siyang biguin kaya magpakatino ka okay? Kung hindi eh hihilingin kong ibalik ka sa dati mong anyong Ak-ak. Hehe.

Ingatz tsong!

Luningning."

"Sa wakas at maipadala nga through Priority Mail." nakangiting sabi ni Luningning.

Siya ay tumayo mula sa mesa at ipinagpatuloy ang paghahanda niya ng hapunan para sa kaibigan. Sinigang as usual which is their favorite. Bumukas ang pintuan at pumasok si Ligaya na may ngiti na mula sa kaniyang mga mata. Sumunod na rin si Ligalig na abot tainga ang saya. Inilapag na sa mesa ni Luningning ang hapunan at nakisalo sa kaniyang mga kaibigan.

"Alam kong may rason kung bakit mapapatagal ang aking pananatili dito sa Laye." biglang sambit ni Ligaya. "Alam kong maiiwan ninyo ako sa susunod na paglalakbay but I won't be that sad anymore."

"Ako naman ay naka-move on na ng todo kaya tama na ang panunukso ok?" sabi naman ni Ligalig na sandamukal na dumukot ng kanin mula sa kaldero. "Tayo ay kumain na at maaga pa para bukas."

"Tama ka." sagot ni Ligaya. "Salamat nga pala Luningning sa pagluluto."

"Walang ano man iyon." nakangiting sagot ni Luningning. "Siyempre friends tayo eh."

"Balita ko may bago ka na raw na napupusuan?" biglang tanong ni Ligaya. "Maaari bang malaman?"

"Secret ko muna iyon para masaya." sagot ni Luningning na humihigop ng sabaw na saktong asim sampalok na suwak na suwak sa panlasa.

"Clue. Clue." tanong ni Ligaya. "Narito ba siya sa ating bayan?"

"Oo." diretsong sagot ni Luningning. "Yun lang pwede kong sabihin sa inyo."

"Sige na sabihin mo na." pleaded Ligaya. "O sige. Yung inchik sa may bayan iyan noh?"

"Hindi ah. Move on na ako dun." sagot ni Luningning.

"Yung pangulo ng samahan ng mga magsasaka?" tanong ni Ligaya.

"Hindi ko nga sasabihin eh ang kulit." sagot ni Luningning.

"Ay basta ako ay kakain lamang ng sinigang." sagot ni Ligalig.

"Okay ito ang deal. Isulat ninyo ang pangalan ng lahat ng lalakeng kilala ninyo dito sa ating pueblo and then pick your top 5. Saka ko sasabihin kung naroon sa mga pinili ninyo." sabay tayo mula sa hapag-kainan ni Luningning at kumuha na inumin.

"Deal." sagot ni Ligaya na kumuha naman ng pluma at panulat.

***

Nais niyo bang malaman kung sino ang Top 5? At teka, ano na pala ang nanyari kay Ermi? Tuluyan na nga ba siyang naging Ermitanyo? Abangan sa susunod na mga Adbentyurs ng Da Tri Litel Berds at ni Fairygodmomma. ^^

"Haw R U Ligalig?" Part 4 sa Adbentyur ng Da Tri Litel Berds at ni Fairy Godmamma


Well, well, well. Kay tagal ko nang nawala, babalik pa rin. Babalik pa rin. Nasaan na nga ba tayo? Ah, I remember now. Lemme do it all over again para ma-represh naman ang ating mga maynds. Okeh okeh?

Ehem. Ehem. So isang araw habang namamahinga and tatlo nating mga ibon sa sanga ng punong mangga ay may lumitaw na magandang diwatang si Diwatang Sirdi. Binigyan niya silang tatlo ng kahilingan at sila ay naging tatlong magagandang dalaga.

Tapos hindi lamang doon nagtatapos ang kasiyahang nadarama ng ating tatlong bida dahil sila ay nabigyan ng misyon that would lead to the crossroads of meeting their Prince Charming. So nangyari na nga. Una sa ating kwento ay si Luningning na nakatagpo kay Ermi the Ermitanyo. Gumala-gala sa woods isang araw si Luningning and the story was kinda like Goldilocks and Little Red Riding Hood. Anyways. Sumunod naman ay si Ligaya na puno ng ligaya ng kaniyang nakilala ang kaniyang tru lab. Mula sa isang ibong pinangalanan niyang Ak-ak (dahil that was all that the bird was saying) ay nadiskubre niya na si Ak-ak pala ay isang isinumpang Prinsipe mula sa Coney Island.

And now, it is Ligalig’s turn to meet her tru lab. This is a different story kasi hindi siya kasing comedy ng kay Luningning at Ermi or kasing dramatic ng kay Ligaya at kay Prinsipe Yawnoc (formerly as Ak-ak the bird). Kasi this relationship is complicated (parang Facebook status ah? Heheh.). So let’s start the adbentyur right here, right now. Go! Go! Go!

Sa gitna ng bukid ay ating matatagpuan an gating bida. Si Ligalig ay naglalakad na tila ba’y kay lalim ng iniisip. Sa di kalayuan ay kaniyang natanaw ang mga kaibigang sina Luningning at Ligaya.

“Ligalig!” tawag ni Luningning.

“Oh, napadaan kayo!” sagot ni ni Ligalig.

“Eh wala na kaming magawa sa bahay eh kaya naisipan naming bumisita naman sa iyo.” Sagot ni Ligaya.

“Oy alam niyo ba na nag-text si Kulot sa akin?” bahagi ni Ligalig.

“Talaga?” tanong ni Ligaya. “Kumusta na pala kayo mula ng nangibang bayan na siya?”

"Mabuti pa rin naman siya." sagot ni Ligalig. "Ganoon pa man ay namimis ko rin naman siya."

"Tru lab nga naman." sagot ni Luningning.


*tenenenen-tenenenen-tenenenene* (Nokia tone pag may message received)

"Uy may text ka Ligalig" sabay abot ng cellphone ni Luningning.

"Maigas. Kanino naman kaya galing ito." at sa kaniyang gulat ay napasigaw siya ng "How!"

"How?" tanong ni Luningning. "Eh hindi ba dapat 'who' kung nagtataka ka kung kanina galing ang text?"

"No, ibig ko sabihin it's 'how'" sagot ni Ligalig.

"Ang gugulo ninyo," sabi ni Ligaya. "Patingin nga."

At ang tatlong dalaga ay nagkagulo sa text message sa motorolang cellphone ni Ligalig.

"From: Unknown Sender
Message:

Ligalig, haw r u?

End of Message"

"Huwaw!" exclaimed Luningning. "Dalaga na si bunso."

"Shattap!" sagot ni Ligalig. "Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya eh."

"Ligalig is in lab." kanchaw ni Ligaya. "Pero di namin man lamang alam ang buong kwento. Ligalig, tell us HOW it all began?"

"Tama na nga kayo. Nag mub on na ako okei?" depensib na sagot ni Ligalig sa dalawa. "Tama na ang pangaasar sa akin abawt him. It is done. It is finished no matter HOW!"

At as usual, girls are girls nga naman. So for a few minutes of todo denial to death about Ligalig's admirer eh natapos nag-shift ang situation sa biglang pagdating ng bagong heartthrob sa eksena.

"Excuse me?" came a voice from behind.

"Maryang Kamote!" gulat na sabi ni Ligalig. "Maigas naman parang kabuteng sisipot sa kung saan..."

*hearts hearts in the air + love birds singing + bells ringing*

Kung hindi niyo ma-imagine ang sitwasyon eh I'll explain it. May isang lalakeng sumipot sa eksena. Hindi siya ekstra or epal lang pero siya na pala ang tunay na makapagpapatibok sa puso ni Ligalig. Tawagin na laman natin siya sa pangalang Leinad. Matangkad, pogi (op kors!) at mestiso. Galing siya mula sa kaniyang paglalakbay sa Elihc at naghahanap ng pinakamalapit na matutuluyan. Okay. Si Ligalig na bahala sa ibang bahagi ng kwento. Let's go back.

"Leinad?" tanong ni Ligalig.

"Ligalig?" tanong rin ni Leinad.

"Magkakilala kayo?" tanong nina Ligaya at Luningning.

"Oo. Magkamag-aral kami sa paaralan sa bayan." nasha-shy na sagot ni Ligalig sa kaniyang mga kaibigan. "Siya nga pala, sila ang aking mga kaibigan: si Ligaya at si Luningning."

"Comostas?" tanong ni Luningning.

"Muy Bien. Muy Bien." sagot ni Leinad.

"Nice meeting you." sagot ni Ligaya. "Siya nga pala, Ligalig, ihahanda lamang namin ni Luningning ang meryenda. Maiwan muna namin kayo."

"Uy,..." pleaded Ligalig na medyo na-conscious dahil sila ay iiwan all alone together under the mango tree by the green green grass all around all around.

"Kita-kits na lamang sa kubo." paalam ni Luningning.

So naglakad papunta sa kubo sina Ligaya at Luningning habang nakatingin pa rin kina Ligalig at Leinad na masayang nagkukwentuhan sa ilalim ng puno ng mangga. Natawa na lamang ang dalawa dahil sa wakas ay nakahanap na rin ng mamahalin, I mean that is too serious sounding, but atleast, someone who could inspire their friend Ligalig. Habang papalapit na sila sa may kubo ay napansin ni Luningning na may kalungkutang bumabalot sa mukha ng kaniyang kaibigang si Ligaya.

"Ligaya, mukhang hindi ka ata maligaya sa ngayon." tanong ni Luningning kay Ligaya who was staring blankly at the sky and dragging her two feet.

"Aalis na siya Luningning." matamlay na sagot ni Ligaya. "Aalis na siya."

"Sino?" tanong ni Luningning. "Don't tell me aalis na si..."


To be continued....

"