Wednesday, September 9, 2009

ang adbentyur ng da tri litel berds at ni fairygodmomma [part 1


Once upon a time, sa kaharian ng Laye ay may tatlong maliliit ng ibon na namamahinga sa ilalim ng punong mangga. Kasabay ng simoy ng hangin ay ang mga kahilingan ng mumunting mga tinig.


"Kailan kaya tayo makakaranas ng tunay na pag-ibig?" tanong ni Ligaya sa sarili.

"Kung may pagkakataon lamang sa ating buhay na tayo ay maaring maging isang tao", sabi ni Ligalig.

"I wish matagpuan ko na si Prince Charming ko", kinikilig na pahiwatig ni Luningning.


Habang nangangarap ng gising ang tatlong cutie birds ay biglang may malakas na tunog na tumambad sa kanilang harapan:


*boom boom poww!*


"Oh my goshh...Black Eyed Peas?" pagulat na sabi ni Luningning.

"Maryang kamote" dagdag ni Ligalig.

"Creepy" sabi ni Ligaya.


"ehe. ehe. ehe." napaubo ang magandang diwata sabay bugaw sa stardust na pumalibot sa kaniya. Tumayo siya sa kaniyang kinahulugan at inayos ang kaniyang pink na gown.


"Ar yu olrayt?" tanong ni Ligalig.

"Okay lamang ako" with a poise sagot ng diwata.

"Sino po kayo?" tanong ni Ligaya. "At bakit po bigla na lamang po kayong nahulog mula sa kalangitan?"


"Ako ang inyong Fairygodmother. At maaari ninyo akong tawagin sa pangalang Sirdi. Galing ako sa mundo ng Yekrut, malayo iyon dito ngunit sa aming kaharian ay masaya at laging may ngiti sa mukha ng bawat naninirahan."


"Wowwowwee!" excited na sinabi ni Luningning. "Let's go go there na!"


"Bago kayo makakarating sa aming kaharian ay may mga requirements kayo na dapat gawin." pahiwatig ng diwata.


"Grabe naman. Katatapos na nga lang ng pagsusulit ko kahapon eh may ipapagawa pa ulit" pabulong na reklamo ni Ligaya.


"Shhh..Comply before complaints. Este complain. Tama ba? Hmm..anywho. Sa dakong ito ay mabibigyan kayo ng labin tatlong kahilingan. Sa bawat kahilingan ay may katumbas na prize as long as you use it in a proper way for the benefit of human kind." sabi ni diwata.


"Human kind? Haller. Di po ba niyo nakikita na kami po ay mga ibon lamang? tweet tweet tweet!" sabi ni Ligalig.


"Paumanhin. Ngunit bilang bonus at dahil narining ko ang inyong mga hinaing kanina, gagawin ko kayong mga dalaga. Mga dalagang pagkakalooban ko ng kanikaniyang mga talento upang maging capable kayo na mag survive sa mundong ito." sabay nilabas ng diwata ang kaniyang mahiwagang wand.

"Ipikit ninyo ang inyong mga mata and think about what your heart desires and it will be granted."


In a tap of the fairy's wand in the heads of the three little birds, stardust once again appeared and there were sparkles everywhere. There stood three beautiful girls in the midst of the meadow. The most beautiful three and the fairest in the kingdom (wow. english. hekhek.)


"Wow! Salamat po!" sabi ni Ligaya.

"Tao na ba ako?" tanong ni Ligalig na nakapikit pa rin ang mga mata.

"Awesome! Paano po ninyo alam na pink ang gusto ko?" tanong ni Luningning.


"Mabuti naman at nagustuhan ninyo ang inyong transformation." nakangiting sabi ni Diwatang Sirdi. "Mayroon na ba kayong nais na hilingin? Tandaan ninyo na mayroon lamang kayong labintatlong kahilingan at dapat ay para sa kabutihan ng lahat iyon."


Napamuni muni ang tatlong dilag kung ano ang kanilang dapat hiligin mula sa diwata.


"World peace kaya?" tanong ni Ligaya.

"Miss Universe ka naman." sagot ni Ligalig.

"Prince Charming!" sabi ni Luningning. "Hindi ba nais natin makaranas ng tunay na pag-ibig? Hindi ba iyon ang nais natin kani-kanina lamang?"

"Oo nga pala! Sige iyon na lamang!" agreed Ligaya.


"Mayroon na ba kayong kahilingan?" tanong ni Diwata.

"Opo." sabay na sagot ng tatlo."At ano iyon?" tanong ulit ni Diwata.

"Nais naming makaranas ng tru lab. Nais namin matagpuan ang aming mga Prince Charming!" sagot ni Ligalig.

"Oy! Isa isa lang." sambit ni Ligaya.

"Diwata, as one po yung sinabi ni Ligalig ha?" sabi ni Luningning.


"Sige sige. Nakakatuwa naman talaga kayong tatlo oo. " patawang sabi ni Diwata Sirdi. Inilabas niya muli ang kaniyang magic wand at sabay sabi ng ilang mahiwagang salita.

"Langit at lupa magsama

kahilingan nila ay dinggin na

Prince Charming para sa bawat isa

Upang lahat ay lumigaya!"


*~*boom boom poww!*~*


"Oh my goshhh!" sigaw ni Luningning.

"This is it!" sabi ni Ligalig.

"Dream come true" dagdag ni Ligaya.


Muling tumumbad ang malakas na tunog katulad ng simula and there were stardust everywhere again. And the most exciting part is that behind the vague dust of magic were three mystery Prince Charmings...


sino sila? Abangan sa susunod na kabanata ng "Adbentyur ng da tri litel berds at ni fairygodmomma"

No comments:

Post a Comment